Friday, June 29, 2007

13 Sunday in Ordinary Time

Magandang umaga po sa inyong lahat!

I was ordained deacon yesterday at 9am in DWST.. and this will be my inaugural homily… Kaya kinakabahan ho ako at nanginginig pa tuhod…

Anyway to begin with, let us first talk about Identity…

Noong ako’y HS, upang iwasan daw naming ang masamang barkada malimit ko marining sa teachers namin ang ganito, BIRDS OF THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER, sabi naman ng iba.. TELL ME WHO YOUR FRIENDS ARE AND I WILL TELL YOU WHO YOU ARE.. Ang dalawang sayings na ito ay parehong nagsasabi ng daan para matukoy ang Identity/katauhan ng isang tao ay ang kanyang mga kasama.. Naiisip ko, pwedi rin sigurong sabihin para malaman natin kung anung uri ng tao ang isa na, ANG ATING TAMBAYAN, HANG-OUT AY TUTUKOY SA ATING KATAUHAN… Sa palagay po ninyo.. tama kaya ito..?

Si Hesus po ay meron ding paboritong lugar na puntahan…hang-out sa katunayan sabi sa ebanghelyo ngayon.. “Jesus journeyed to Jerusalem” Ang Jerusalem para sa mga Hudyo ay mahalaga.. andun ang TEMPLO…tahanan ng DIOS.. Sa Templo ng Jerusalem, kaisa ng mga Hudyo ang Dios.. Ganun di para kay HESUS.. sa Jeresalem Kaisa ni Hesus ang Ama..Ang hang-out ni Hesus ay ang piling ng ama…

Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, sa piling ng Dios AMA, hindi siya pinatuloy, di siya tinanggap sa isang bayan nang malaman na ang kanyang destinasyon ay Jerusalem… Tsk..tsk.. karaniwan.. pag maganda ang layunin.. marami ang komokontra.. marami kang kaaway…Yan ay karanasan ni Hesus sa aitn Ebanghelyo.

Bilang mga Kristiyano.. Ang ating hang-out ay sa piling ni Hesus.. Nais nating makapiling ang Dios.. Kaya si Hesus ay ating sinusindan, ang tawag nito sa theology ay DISCIPLESHIP, pagiging disipulo tagasunod ni Kristo, na sinasabing hindi madali kundi mahirap ayon din sa karanasan ni Hesus.

Papaano ang Pagsunod kay Kristo? Sa ating ebanghelyo ito ay isinalarawan ng tatlong tinawag ni Hesus..

UNA... sabi ni Hesus sa isang gustong maging alagad niya..."Foxes have dens and birds of the sky have nests, but the son of man has nowhere to lay his head.” Ang paggawa ng mabuti, pagsunod sa kalooban ng Dios ay walang pabuya...ito’y libre.. GRATIS...o hindi nagaantay ang kapalit, o bayad, sa english SELFLESS LOVE

PANGALAWA.. sabi ni Hesus sa isa pang tinawag niya... “Let the dead bury the dead”.. ito po ay hindi nagpapakita na si Hesus ay walang puso.. or.. manhid...Sinasabi nito na pagsunod kay Hesus walang lugar ang mga excuses, o palusut... Dapat lang, sapagkat ang gawang kabutihan ang katotohanan hindi nai-cocompromise...Naalala ko dito yong nangyari sa mga teachers doon sa batanggas noong eleksyon... Hindi sila pumayag na umiral ang pandaraya... kahit na kapalit nito ay buhay.. ayon.. sinunog ng mga goons ng isang kandidato ang buong school...Ang paninindigan ng mga teachers na yon ay halimbawa ng isang gawang mabuti at pagsunod sa Dios na katotohanan hindi naicocompromise.

PANGATLO... tugon ni Hesus sa kanyang tinawag na magpapalam muna sa kanila...”No one who sets a hand on to the plow and looks to what was left behind is fit for the kingdom.” Totoo naman.. pag sa pag aararu.. lingon ka nang lingon sa likod.. rumble ang magyayari sa iyong gawa... Sa pagsunod kay Kristo ang hinihingi ay FOCUS..full dedication ika nga.. na wala kahati sa ating atentsyon.. Kaya talagang mahirap ang sumunod kay Kristo at gumawa ng mabuti... Seloso ang Panginoon.. ayaw ng kahati...Subalit marami po ang may kakayanang ibigay ang lahat sa Panginoon.. sa paggawa ng kabutihan...

Sa madaling sabi ang DISCIPLESHIP ay una, SELFLESS, CANNOT BE COMPROMISED and FOCUSED ON GOD. Nagagawa ba ito? YES...

Siguro po ay kilala ninyo si Tony Meloto ng Gawad Kalinga.. at alam ninyo rin kung ilang mga bahay na ang kanilang naitayo.. Sa aking palagay.. Si Tony Meloto at ang Gawad kalinga ay isang pagtugon sa tawag ng Diyos na SELFLESS...DO NOT ACCEPT EXCUSES and FOCUSED ON GOD...

Kaya mga kapatid.. I am inviting you all to be with JESUS, as Christians we are called to be JESUS' Friends... like JESUS in the Gospel, let us go to JERUSALEM, para makasama natin ang Diyos... ANG ATING HANG-OUT, TAMBAYAN ay kung saan naroon ang Diyos


No comments: